Brillantes, tinawag na arogante ni Lacson

TILA nabastusan si Sen. Panfilo Lacson sa pananalita ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes kaya sinabihan niya ito ng arogante matapos malaman na sinabi niyang “walang pakialam ang Senado sa ginagawang desisyon ng ahensiya hinggil sa party list system.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos hindi dumalo kahapon sa pagdinig ng Senado hinggil sa partylist system at anti-political dynasty sina Brillantes at iba pang commissioner ng Comelec.

“Kasi alam mo (Because you know) I think it was arrogant of him to tell the media na yung Senado walang pakialam sa kanilang mga desisyon tungkol sa partylist,” pahayag ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson, hindi naman nila pinakikialaman ang desisyon ng Comelec at gusto lang nilang kwestyunin ang mga ipinatutupad nitong mga polisiya.

“Hindi naman pinakikialaman yung mga decision na ginagawa nila. Mga policy questions lang ang gusto naming tanungin,” sabi ni Lacson.

Dahil inisnab ng mga Comelec ang pagdinig ng Senado, iminungkahi ni Lacson kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, ipa-subpoena ang nasabing opisyal ng Comelec.

“I was suggesting to Senator Koko to issue a subpoena para ma compel naman na dumalo sila sa hearing,” sabi ni Lacson.

Subalit sinabi naman ni Pimentel na hindi kailangang i-subpoena pa ang mga Comelec officials dahil tiwala siyang darating ang mga ito sa susunod na pagdinig sa Nobyembre.

“No way. We will not subpoena the Comelec. We’re co-equal. They are not even forced to answer my questions,” giit ni Pimentel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply