Buhay ng kabataan at mahihirap maisasalba ng sin tax

AYON kay Engr. Emer Rojas ng New Vois Association of the Philippines at isang Global Cancer Ambassador at Prof. Tony Daus ng University of the Philippines College of Medicine, kalahati sa taunang 300,000 na namamatay mula sa mga ‘di nakahahawang mga sakit ay nagmumula sa paninigarilyo. May kabuuang P 188 bilyong piso ang nawawala bawat taon mula sa pangunahing 4 na nangungunang nagiging sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino, ito ang (Lung Cancer, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Heart Attack at Stroke), na lahat ay iniuugnay sa paninigarilyo.

Isa pa sa minamataang paggagamitan ng sin tax, ay ang pagkuha ng gobyerno ng karagdagang 10,000 doktor, 50,000 nurses at midwives at 100,000 community health teams upang mapunan ang kakulangan ng mga tauhang pangkalusugan.

Sa pamamagitan ng “SIN TAX”, hindi lamang ang health at service utility ang mapapaunlad natin kundi maging ang health care service utility kundi makakaiwas pa ang taong mahilig manigarilyo, liliit din ang tsansa na magkaroon ng mga taong mamamatay ng bata pa, dahil sa paninigarilyo, sapagkat ‘di niya nabantayan at napigilan ang sarili na gawin ang mga bagay na may kinalaman dito.

Tinataya ng DOH na may 170,000 na pagkamatay ang maaaring mapigilan sa unang taon ng implementasyon ng “sin tax”. Samantala, may 2 milyong nagsisigarilyo ang inaasahang hihinto sa paninigarilyo sa taong 2016, dahil sa resulta ng mataas na buwis sa sigarilyo.

“Maisasalba natin ang buhay ng mga mahihirap at maipagsasanggalang ang mga kabataan sa paninigarilyo kapag tinaasan ang buwis sa sigarilyo. Kasabay nito, ay mapapaunlad pa natin ang serbisyo ng healthcare upang mapagtuunan ng kalinga ang mga nasa mahirap na populasyon”, wika pa ni Ginoong Herbosa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply