Bulag, pipi at bingi si CSupt. Ladao

KINUKUNSINTI ni Olongapo PNP Director SSupt. Christopher Tambungan ang mga “illegal activities” ng kanyang mga tauhan, ayon sa opisyal na report ni PNP SSupt. Joseph T. Rabago ng Reg’l Investigtion & Detective Management Division, kay R-III Regional Director CSupt. Edgardo Ladao.

May kinalaman ito sa umano’y pagkidnap for ransom sa halagang P200K ng mga pulis-Olongapo sa kapatid at bayaw ng artistang si Jhake Vargas na nakasampa ang kaso sa Prosecutors’ Office at sa pagdakip at pagpapakawala sa drug suspect na si Elmer Quimbao sa halagang P50K.

P20K umano ang share ni Tambungan sa kidnap for ransom na isinagawa umano nina PO3 Alejandro Quinit, PO3 Arnold Chantengco, PO1 Eleazar Jimenez, PO1 Jayson Asuncion at isa pang John Doe at P10 K naman sa drug suspect hulidap nina PO1 Abalos at iba pa ng Police Station 3.

Ayon sa pahayag ni PSI Gerald Fernandez, station commander ng PS 3, sa Olongapo PNP Command Conference kaharap ang iba pang police officers, siya mismo umano ang nag-abot ng P10 K kay Tambungan.

Ito Ang Totoo: sa kabila ng report ni SSupt. Ramac, walang aksiyon si Ladao laban kay Tambungan para hindi ito makapanakot at maka-impluwensiya sa imbestigasyon.

Kung sa National Capital Region Police Office ito sa ilalim ni PCSUPT LEONARDO A. ESPINA, relieved agad ang city director. Malas lang ng mga taga-Olongapo at talaga yatang malakas si Tambu-ngan kay Ladao, kung hindi siguro kasabwat, kaya kahit patong-patong na ang insidente at mga reklamo, hindi natitinag ito.

Habang walang aksiyon si Ladao at maging si PNP DG Nicanor Bartolome, pati na si DILG Sec. Mar Roxas, patuloy na matatakot ang mga taga-Olongapo kapag may pulis dahil sa halip na “feeling safe,” lalo pang “unsafe” dahil may mga pulis-Olongapo na nangki-kidnap for ransom, hulidap at kung ano-ano pang illegal na gawain. Ito Ang Totoo!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply