Bulaklak sa Dangwa, bahagyang tumaas

BAGAMAT ilang araw pa bago ang Todos los Santos ay inaasahan na ring bahagyang magtataas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market sa Dimasalang sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na tataas ng P5 hanggang P50 depende sa klase ng mga bulaklak.

Ito ay epekto na rin umano ng pagtaas ng krudo at ang pananalanta ng dagdaang bagyong Ofel.

Sa ngayon, kapansin-pansin na kaunti pa lamang ang namimili ng bulaklak na dumarayo sa Dangwa market.

Gayunman, sa mga susunod na araw ay inaasahang dadagsa ang mamimili sa mismong araw ng Undas lalo na sa Nobyembre 2, kung saan sasamantalahin ang bagsak presyo ng mga bulaklak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply