Bulto-bultong pekeng food seasoning nasabat sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Nasabat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dagupan ang buloto-bultong pekeng food seasoning sa may bagsakan ng public market sa Urdaneta City, lalawigan ng Pangasinan kahapon ng umaga.

Hindi na pinangalan ang mga nasabat na pekeng produkto para na rin sa seguridad ng mga original na gimagawa ng food seasoning.

Sa inisyal na report, nagsagawa ng raid ang CIDG Dagupan matapos magreklamo ang mga retailer ng mga original na distributor ng food seasoning.

Ayon sa reklamo, mura umanong ibinebenta ang mga pekeng food seasoning kumpara sa orihinal nito.

Napatunayan na ang mga pekeng food seasoning ay ginagamitan ng food coloring upang maging kakulay ng orihinal na produkto.

Doble na ngayon ang pagbabantay ng lokal na CIDG kaugnay ng pagkalat na naturang pekeng produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply