Bumistay sa pulis Maynila, arestado

NADAKIP ng mga elemento ng Manila Police District-Special Weapon and Tactics (MPD-SWAT) ang isa sa dalawang riding and tandem na bumistay sa katawan ng isang pulis Maynila, makaraang sitahin ng huli dahil sa kahina-hinalang kilos noong Oktubre 6, sa may tapat ng isang banko sa United Nation Avenue, Ermita, Maynila.

Ipinrisinta kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang suspek na si Antonio Lalu Y Torres, 45, miyembro ng Commando Gang, at taga 986 C San Luis St.  Delpan, Tondo, Maynila.

Nalaman na namatay naman sa Ospital ng Marikina, ang kasama nitong pumaslang kay PO1 Ryan Bagadiong na si Florencio Geavican Jr.,35, at tga B85 L16 Del Pilar Katipunan, Quezon City,habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay Lim, ang suspek ay nadakip ng mga elemento ng SWAT sa kanyang bahay noong Oktubre 7, ng alas 11 ng gabi matapos makita ng isang “impormante” na nasa harap ng kanilang bahay.

Nakuha sa suspek ang isang .45 kalibreng pistol, mga bala at kulay asul na pencil case na may lamang shabu paraphernalia, posas, sinturon na may PNP buckle,Samsung cellphone at kulay itim na gray na Honda wave 125 na walang plaka.

Kaugnay nito, itinanggi naman ng suspek sa alkalde na siya ang bumaril kay Bagadiong at wala rin umano sa kanya ang service firearms nito.

“Siyempre itatanggi mo, ituturo mo yong kasama mo e,patay na yon e”, ayon sa alkalde.

Nauna dito, magsasagawa umano ng clearing operation sa mga palaboy sa lugar si Bagadiong ng sitahin ang dalawang suspek,pinababa umano at pinadapa ng biktima ang dalawa pero  biglang bumalikwas at pinaputukan si Bagadiong.

Nagawa umano ni Bagadiong na maiputok kay Geavican ang kanyang service firearms kung saan tinamaan ito sa tiyan.

Itinurn-over sa kustodiya ng MPD-homicide section si Torres, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso sa Manila Proecutors Office (MPO).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply