Bunga ng sipag, katapatan; 2 dating ninja ng Maynila

MULI na namang nagbunga ang kampanya ng “Tuwid na Daan” ni Pangulong Benigno Aquino III dahil na rin sa katapatan at kasipagan ng itinalaga niyang hepe ng Bureau of Customs na si Comm. Ruffy Biazon at ng mga mahuhusay na tauhan nito.

Muntik na sanang mapalusutan ng mga smuggler ang pamahalaan kung hindi sa pagtitiyaga ng mga taga-customs na nagresulta sa pagkakahuli at kumpiska ng may P40 milyon halaga ng Peking duck at mga kalapati.

Kaya naman, isa na namang pagsaludo sa BoC sa panibagong accomplishment sa pamumuno ni Biazon na isinakripisyo ang career sa pulitika para lang matulungan si PNoy na maiayos ang ekonomiya ng bansa.

Ang mga Peking duck at kalapati na nakakarga sa dalawang containers at inihalo sa mga mackerel ay tinangkang palusutin ng HEXA Trading galing sa bansang Tsina.

Ipinagbabawal ang pag-iimporta, pagbebenta at pagkain ng Peking ducks dahil sa posibleng sakit na hatid nito.

Nabuko ng BOC ang kontrabando bunga ng kautusan ni Biazon na maging alerto sa loob ng 24 oras ang kanyang tauhan sa loob ng pitong araw.

Nagbabala naman si Biazon sa mga smuggler na patuloy pa rin sa kanilang mga iligal na gawain na lalong maghihigpit ang kanyang ahensiya sa pagpapalusot ng mga kontrabando ngayong nalalapit na Pasko.

Ayon kay Biazon, hindi lang pagkumpiska ng mga pinapalusot na epektos ang kanilang gagawin subalit sasampahan ng kaso sa korte ang mga smuggler, broker at ilang kakutsaba ng mga ito.

Aba’y dapat nang matakot ang mga gumagawa ng iligal at mga pasaway sa Aduana dahil hindi na nagbibiro ang pamahalaan ni PNoy sa kanilang kampanya laban sa mga taong nagpapahina sa ekonomiya ng bansa.

Siguro naman hindi na kayang pumapel dito ni Cris Aquino na nagpapakilalang pinsan ng pangulo at nagmamalaking bigtime siya sa pamilya Aquino  bukod pa sa may basbas ng mga ito ang kanyang ginagawang pangongotong sa customs.

Sana naman, tigilan na ng dalawang dating Ninja ng Maynila ang pagsusurveillance sa isang establisimyento na ang may-ari ay nagsampa ng kaso sa National Capital Region

laban sa kanila dahil sa pagha-harass sa mga tauhan ng complainant.

Huwag nang hintayin ng mga pulis na ito na ngayon ay naka-assign sa Eastern Police District na ireklamo silang muli.

Sobra-sobrang sama ng loob na nga ang ibinigay nila sa may-ari ng negosyo na pinerwisyo nila, tinatakot pa nila ng kanilang pagpunta sa lugar at pagmamanman gamit ang sasakyan ng EPD.

oOo

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply