Buntis, 4-anyos todas sa lupoy

PATAY ang isang buntis at 4-anyos na anak na lalaki nito nang malason sa kinaing  “lupoy” (young mackerel) sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Banago, Bacolod City.

Kinilala ang namatay na sina Delia Jabel, 35, namatay ng madaling araw ng Biyernes habang si Darwin, 4, ay binawian ng buhay kanina lamang sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang  city health environmental sanitation department sa pangunguna ni  Grace Tan  kung ang food poisoning ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Nabatid na nabili lamang ng mag-ina sa halagang P20 ang lupoy sa Puno Banago,  at ibinabad sa toyo at suka, iniluto para sa kanilang hapunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply