Buntis nanganak sa tricycle sa N. Cotabato

TACURONG CITY, Sultan Kudarat- Nagsilang ng sanggol ang isang ginang habang ito ay sakay ng isang pampasaherong tricycle sa Pigcawayan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Ang ginang na hindi kinilala sa report ay patungo ng Poblacion Pigcawayan mula sa Barangay Pigcawaran nang ang tricycle ay dumaan sa isang gas station upang magkarga ng gasolina.

Habang kinakargahan ng gasolina ang tricycle, biglang nakarinig ng iyak ng sanggol ang driver.

Nagulat na lang ang driver at iba pang pasahero ng tricycle dahil nailuwal na ng ginang ang kanyang sanggol.

Agad na dinala ang ginang sa isang ospital sa Pigcawayan at pagkatapos ay ipinag-utos ni Mayor Bing Blase na dalhin sa Cotabato Regional and Medical Center ang mag-ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply