‘Buraot King’ ng BoC may basbas ni PNoy?

TILA kilalang-kilala nitong “Buraot King”ng Aduana na si Cris Aquino, hindi ang presidential sister at host na si Kris, ang ipinagmamalaki niyang pinsan na si Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III.

Mukhang nagkamali yata ang inyong lingkod sa naisulat sa nakaraang column dito sa PAKUROT na hindi batid nitong ‘ Hari ng Kaepalan’ na galit ang Pangulo sa mga taong hindi sumusunod sa kanyang pagtahak sa “Tuwid na Daan.”

Kilalang-kilala umano nitong si Cris Aquino ang Pangulo dahil matapos ang pangongotong sa mga opisyal at kawani ng BOC, na dahilan kung bakit inis na inis sa kanya ang mga tao rito, ay nagyayabang na naman ito na sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang  pinsan (walang iba kung hindi si Noynoy) ang pamamahala nang paghahanap ng bidder sa isasagawang auction o subasta sa tone-toneladang bigas na nakumpiska sa Subic may ilang buwan na ang nakakalipas.

Hindi ko alam kung sino kina Cris Aquino at Pangulong Aquino ang hindi pa natitinag sa mga balita kaugnay sa katarantaduhang nagaganap sa Customs dulot ng pagiging “somebody” nitong si Cris na ito sa Aduana.

Sa mga naitalagang opisyal ni PNoy sa pamahalaan, lagi ang mga itong “serving at the pleasure of the President.

”Kapag ayaw na sa kanila ni Pangulong Aquino dahil nakagawa ng hindi maganda sa kanyang pamahalaan ay kaagad din itong tinatanggal ng Pangulo.

Bakit itong si Cris Aquino, hindi naman naitalaga ng Pangulo bilang opisyal na kolektong, ay namamayagpag sa BoC?

Wala bang gagawing hakbang ang  pamunuan ni PNoy upang sawatain ito?

Hindi kaya may basbas din ito ni PNoy?

Puwedeng itulad sa mga kamag-anak, kaklase, kaibigan at kabarilan ng Pangulo na bagaman may mga nagawang kahihiyan sa publiko ay hindi pa rin inaalis sa kanilang
mga puwesto.

Mukhang si Pangulong Noynoy ang natitinag sa tikas ng kapalmuks na ito na nagpapakilalang “sanpits”niya.

Nabahag siguro ang buntot ni PNoy sa pinsan niyang ito.

Baka nga naman totoong kamag-anak at malakas sa Pangulo ang Cris Aquinong ito na maging ang dangal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA),  Philippine National Police Intelligence Group (PNP-IG) at PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay winawarak sa hinihingi niyang lingguhang intelihensiya sa smugglers at player/brokers ng Aduana.

Kapag nagtuloy-tuloy ang pagbabalewala ng Palasyo sa kalokohan nitong mokong na si Cris Aquino ay baka pati ang mga matitinong opisyal ng BoC tulad nina Commissioner Ruffy Biazon at law enforcement chief George Aliño ay madala na rin at bumigay na sa hiling ng smugglers na kinotongan ni “Buraot King.”

Mababalewala ang mga pagbabagong ipinatutupad ni Biazon at mga opisyal ng BoC tungo sa landas na nais ni Aquino noong siya ay nangangampanya pa lang para sa pagkapangulo.

Hindi kaya parang niloko lang niya ang mga taong mataas ang respeto at paniniwala sa kanyang kakayahan na pamunuan ang ating Inang Bayan?

Belated Happy Birthday to my friend Mary Rose Vasquez- Tianco, of Legaspi City, who celebrated last Wednesday.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply