Burol, hindi graduation ball nadatnan ng magulang

NAGKUKUMAHOG ang mga magulang ng isang graduating student para dumalo sa inaakala nilang masayang graduation ball para lamang magulantang na burol pala ng anak na nagbigti ang kanilang aabutan sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, kinilala ang graduating student na nagpatiwakal na si Jovan Vincent Miaña, 22, isang nautical student sa University of Cebu at naninirahan sa Tabo Banay sa siyudad ng Cebu.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng PNP Cebu City, inihayag ng ilang mga ka-boardmate ng biktima na kapuna-puna umano ng mga nagdaang araw ang pagiging malungkutin ng biktima.

Nabatid na pinoproblema ni Jovan, dahil hindi ito makakamartsa sa kanyang graduation rites.

Napag-alamang may nakuha umanong suicide notes sa biktima para sa kanyang mga magulang, mga kaibigan at para rin sa kanyang kasintahan.

Nagpapa-alam ito at humihingi ng tawad sa gagawing pagpapatiwakal at ang dahilan ay ang hindi niya pagkakabilang sa mga mag-aaral na ga-graduate.

Malungkot namang inihayag ng ina ng biktima na si Victoria Miaña, nagulat sila sa inabutang eksena dahil walang sinabi ang kanyang anak tungkol sa problema nito sa pag-aaral.

Lumuwas umano sila sa siyudad galing ng probinsiya upang dumalo sana sa akala nila ay graduation ng kanyang anak.

Kauganay nito, plano ng pamilya ng biktima na alamin din pamantasang pinapasukan nito ang naging dahilan kung bakit hindi naka-graduate ang kanilang anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply