Bus liner sa Cebu accident, sinuspinde ng 1 buwan

SINUSPINDE ng awtoridad ang isang bus firm na nasangkot sa malagim na aksidente na ikinamatay ng pitong katao at ikinasugat ng 43 sa Cebu nitong nakaraang linggo habang iniimbestigahan ang insidente.

Sinabi kaninang umaga (Oktubre 29) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 7, kasunod ng insidente ay sinuspinde ng isang buwan ang prangkisa ng Jegans Bus Liner.

Sa loob ng isang buwan suspensyon, isasailalim ang mga bus units sa roadworthiness tests habang ang kanilang tsuper naman ay isasailalim sa drug tests at safety seminars.

Pito ang namatay at 43 naman ang nasugatan matapos sumalpok sa pader ang  Jegans bus liner (GXD-545) sa  Barangay Lutopan sa Toledo City dakong alas 7:30 p.m. nitong nakaraang Sabdo.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang bus ay nagmula sa Cebu South Bus Terminal at patungo ito sa  Pinamungajan town sa Cebu nang maganap ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na hindi gumana ang brake ng bus habang lumiliko ito sa isang kurbadang kalsada kaya sumalpok sa pader bago bumaligtad.

Kanilang sa mga namatay ay sina Jose Agrix Baraquil, 29; Thelma Sipalay, 24; at Virgilio Larita Jr., 54-anyos.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang bus driver na si Allan Pastidio, 40-anyos at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at physical injuries at damage to property.

Kinukumpirma pa ng pulisya ang impormasyon na nakikipag-uanahan sa isa pang bus si Pastidio kaya nangyari ang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply