Bus sumalpok sa pader 6 patay, 43 sugatan

NAMATAY ang anim na pasahero, 43 ang nasugatan nang mawalan ng preno at sumalpok sa pader sinasakyang bus sa Barangay Lutopan (Barangay Don Andres Soriano) sa Toledo City, Cebu October 26, kagabi.

Kinilala ni PO2 Fred Careon, ng Cebu Police Provincial Office Tactical Operations,ang tatlo sa mga namatay na sina Jose Agrix Baraquel, 29-anyos at residente ng Barangay Mangoto, Pinamungahan Cebu; Thelma Sipalay, 24-anyos at residente ng Poblacion, Toledo City; at Virgilio Carabano Clarita Jr., 54-anyos at residente ng Toledo City.

Samantala dinala naman sa Carmen Copper Hospital at Toledo City District Hospital ang iba pang sugatan at ang iba naman ay inilipat sa mga ospital sa Cebu City.

Nabatid sa imbestigasyon, galing ng Cebu South Bus Terminal ang Jegan Bus (GXD-545)  Cebu City at patungo na ito sa Pinamungahan nang mawalan umano ng preno habang tinatahak ang palikong daan. Hindi na umano nakuhang makontrol ang manibela kaya sumalpok ang bus sa konktretong pader na pagmamay-ari ng isang Maria Bacalzo.

Dahil dito, agad na tumakas ang bus driver na kinilalang si Allan Pastedio, 40-anyos, ngunit sumuko ito  sa Aloguinsan Police Station.

Nabatid sa ulat na pagmamay-ari ni Pinamungahan Mayor Geraldine Yapha ang naturang pampasaherong bus.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple serious physical injuries and damage to property ang driver.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply