Bus vs truck: Driver na-sandwich

NA-SANDWICH ang isang bus driver ng bus matapos mabangga nito ang isang trailer truck sa kanto ng Osmeña Highway at Zobel Roxas, Makati City.

Halos dalawang oras naipit sa dalawang sasakyan bago nailigtas ang bus driver na si Roel Montaño, ng Business League Shuttle Service dahil nagkaroon pa ng aberya ang hydraulic cutter ng mga rescuer.

Nagtamo rin ng mga minor injury ang walo sa siyam na pasahero ng naturang bus, kapwa empleyado ng isang softdrinks company.

Base sa salaysay ng truck driver na si Nestor Calolo, nakahinto siya sa red light ng trapiko nang bigla siyang salpukin ng naturang bus.

Hinala naman ng ilang pasahero ng bus ay nakatulog si Montaño kaya nabangga nito ang trak.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang aksidente habang isinugod sa ospital si Montaño.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply