C-130 plane ng PAF, nadagdagan

IPINAHAYAG ngayon ng pamunuan ng Philippine Airforce (PAF) na madadagdagan na ang kasalukuyang ginagamit na C-130.

Ang pagdaragdag ng mga eroplano ay masayang ibinalita ni Phil. Airforce Spokesman Lt. Col. Miguel Ocol at sinabi nito  na bago matapos ang kasalukuyang taon ay magiging tatlo na ang kanilang C-130 plane.

Ayon kay Ocol, bukod sa C-130 Hercules aircraft na kanilang ginagamit sa kasalukuyan ay nadagdagan ito ng isa pang eroplano.

Kailangang pa umanong ipa-check up at sumailalim sa maintenance ang mga ganitong uri ng eroplano para matiyak na ligtas pa itong gamitin sa mga susunod nilang operasyon.

Ang C-130 plane ang pangunahing ginagamit ng PAF kapag mayroon silang operasyon partikular na sa pagdadala ng mga supplies sa mga lugar kapag may kalamidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply