Cacdac ng PDEA kay PNoy naman nanumpa

PORMAL nang nanumpa kay Pangulong Benigno Aquino III si bagong PDEA director general Arturo Cacdac Jr.

Nauna nang nanumpa si Cacdac kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Pinalitan ni Cacdac  si Jose Gutierrez  na nagulat naman na sibak na pala siya sa puwesto.

Bukod kay Cacdac ay nanumpa na rin si bagong Transportation and Communications Sec. Jun Abaya na pumalit kay Sec. Mar Roxas na nalipat sa DILG.

Nauna nang inamin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi siya nasabihan bago manumpa kay Ochoa si bagong PDEA director-general Arturo Cacdac.

Ayon kay Sec. Lacierda, siya ay “out-of-the-loop” hinggil sa appointment ni Cacdac at naiparating na nila ang kanilang hinaing sa Office of the Executive Secretary.

Aniya, ang tangi niyang alam ay nagbitiw sa puwesto si  Gutierrez at wala siyang ideya sa napabalitang pinilit lamang ito para mag-resign.

Sinasabing ang balasahan sa PDEA ay may kinalaman sa naging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at hindi tiyak kung may kinalaman sa alegasyon ni dating PDEA deputy director general Gadapan na tumanggap si Gutierrez ng bribe money mula sa drug lord.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply