Cacdac umupo na bilang PDEA chief

PORMAL nang umupo kaninang umaga (Oktubre 18) ang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at gaya ng kanyang sinabi ay lilinisin niya ang anti-narcotics agency.

Gayunman, sinabi ni undersecretary Arturo Cacdac Jr. na hindi muna siya magbabalasa ng mga heads of offices ng ahensya, dahil hindi naman magandang alisin ang mga indibiduwal sa kanilang posisyon lalo pa’t kung maayos naman ang kanilang trabaho.

Sa halip na mag-reshuffle, sinabi ni Cacdac na sinabihan na lamang niya ang heads of offices na magsumite ng proposals para matugunan ang mga isyu na ibinabato kamakailan laban sa ahensya.

Si Cacdac, na isang retiradong police general, ay magkakasa agad ng “internal cleansing” para huwag nang maulit pa ang kahalintulad na alegasyon.

Ibinunyag din ni Cacdac na nang tawagan siya ni Pangulong Aquino may dalawang linggo na ang nakararaan, sinabihan siya nito na isa siya sa ikinokonsiderang ipapalit kay Jose Gutirrez, bilang bagong PDEA chief.

Sinabi rin ni Cacdac, na nakausap niya sa telepono si dating PDEA chief Gutierrez, Jr. noong nakaraang Miyerkules at sinabihan siya nito na kunin na ang kanyang posisyon ngayong araw.

Wala namang ikinasang formal turnover sa pagitan ng dalawang opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply