Cafgu detachment sa N. Cotabato sinalakay ng NPA

SINALAKAY ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels ang isang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa Makilala town sa North Cotabato, Martes ng gabi, ayon sa isang military official.

Sinabi ni Lt. Nasrullah Sema, chief ng civil military operations ng 57th Infantry Battalion (IB), na nagpaputok ang mga rebelde sa ilalim ng Front 72 ng NPA, ng pitong rounds ng M-203 grenade launcher sa Cafgu detachment ng 38th IB sa Barangay Villaflores sa Makilala.

Hindi naman nagpahuli ang mga miyembro ng Cafgu at gumanti ng putok.

Tumagal ang palitan ng putok ng halos limang minuto, ayon pa kay Sema.

Wala namang naiulat na nasaktan sa magkabilang panig.

Umatras ang mga rebelde patungong hilaga-kanluran ng Makilala town patungong Barangay Batang na malapit lamang sa Tulunan town, na pinaniniwalaan ng Army na isang rebel base.

Sinabi din ni Sema na nagpadala ang 57th IB ng karagdagang tropa sa lugar para magkasa ng clearing operations.

Ang mga sumalakay na rebelde sa Cafgu detachment sa Villaflores ay parehong grupo na sumunog ng mga gamit na pag-aari ng Dole-Stanfilco, isang banana firm sa Makilala, noong nakaraang Agosto, ayon pa sa military.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply