Cafgu member inambus, todas

PATAY ang isang Cafgu member makaraang tambangan ng apat na kalalakihan kaninang madaling araw sa Masbate.

Nabatid na bandang alas-3:00 ng madaling araw nang ratratin ng apat na mga suspek na kinilalang sina Rolada Cristobal, Artemio Cristobal, TonTon Cristobal at isa pang hindi pa nakikilala ang biktima na si Darwin Manlapas Rivas, 26,  ng Brgy. Cabangcalan, Masbate City.

Papauwi na si Rivas nang tambangan ng mga suspek.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang awtroridad habang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply