Calamba judge inabsuwelto ng SC

INABSUWELTO ng Korte Suprema sa dalawang kasong administratibo si Calamba City Regional Trial Court Branch 36 Judge Medel Arnaldo Belen dahil sa kawalan ng merito.

Si Judge Belen ay una nang inireklamo ni Prosecutor Jorge Baculi.

Ito ay makaaang mag-isyu ng desisyon si Belen na guilty si Baculi sa reklamong direct contempt dahil sa paglabag sa decency and propriety of the judicial system dahil sa paggamit nito ng hindi magandang pananalita.

Sa desisyon ng SC third division na sinulat ni Associte Justice Presbitero Velasco, hindi maituturing na remedy ang paghahain ng administrative complaint at sa halip, ang dapat na ginawa ng complainant ay naghain ng apela.

Bigo din daw patunayan ng complainant na may bad faith o corrupt intention ang hukom.

Hindi daw maaaring sabihing administratively liable ng mag isyu ng final and executory decision si Judge Belen.

Nasunod din daw ni judge Belen ang proceso ng i-cite in contempt of court si Prosecutor Baculi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply