Call center agent, patay sa riding in tandem

PATAY ang isang 27 anyos na call center agent matapos na barilin ng riding in tandem habang nag-aabang ng masasakyan kaninang umaga sa Sta.Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Chinese Hospital ang biktimang si Lyndon Pine, resident eng 2365 Vision St., Sta. Cruz, Maynila.

Tinutugis naman ang mga suspek na tumakas sakay ng kulay itim na motorsiklo at pawang armado ng di mabatid na kalibre ng baril.

Sa report ni  PO3 Amelito Lopez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 5:50 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Dimasalang at Tiago st, ng nasabi ding lugar.

Nabatid na nag-aabang ng masasakyan ang biktima patungo sa pinapasukang trabaho nang lapitan ito ng riding in tandem.

Bumaba ang back ride ng motorsiklo at bigla inagaw ang black bag ng biktima saka muling sumakay sa motorsiklo kung saan maagap namang nahawakan ng biktima ang suspek dahilan upang mawalan ng kontrol ang drayber nito hanggang tumumba sa semento.

Bunsod nito, nagawang makuha muli ng biktima ang kanyang bag mula sa mga suspek dahilan naman upang pagbabarilin siya sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang makitang duguang bumagsak sa semento ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Felix Huertas St.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply