Caloocan Police Sub-Station 1 aktibo vs krimen

AKTIBONG ipinatutupad ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station Sub-Station 1 ang pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang lugar.

Sa pamumuno ni Sub-Station 1 commander, Chief Inspector Francisco Austria Vargas, palaging nakaalerto ang kapulisan sa pagresponde sa mga insidente ng krimen sa kanilang nasasakupan.

Sa mabilis na pagresponde ng mga pulis ay agad naaresto ang suspek sa kasong attempted homicide na si Ananias Sunbillo, 40, security guard,  ng 145 Mabalacat St., Bgy. 112, Caloocan City .

Si Sunbillo ay suspek sa pananaksak kay Jesus Orlanda, 41, driver, barangay kagawad ng Bgy. 112 at residente ng #145 5th St . , 6th Avenue ng nasabi ring lungsod noong Oktubre 22, 2012.

Mahigpit ding ipinatutupad ng mga awtoridad sa lugar ang Sec. 4, Par. 3 ng City Ordinance 0397 (Drinking in Public Places) at naaresto sa isinagawang “Oplan Galugad” ang ilang mga kabataan na nahuli sa aktong nag-iinuman sa mga lansangan.

Sa ulat ni Insp. Ernesto Palting, Deputy Sub-Station Commander, noong Oktubre 23, 2012, nakahuli sila ng 12 kabataan bunsod ng paglabag sa nasabing ordinansa sa Zamboanga St., Bgy. 153, Bagong Barrio.

Noon namang Oktubre 24, 2012 nakahuli rin ang mga awtoridad ng 23 kabataang lumabag sa naturang ordinansa.

Kabilang sa naaresto ang dalawang lalaki na nahulihan ng armas noong Oktubre 23, 2012, na kinilala ni PO3 Marlon Reloj na sina Lino Santiago, 35, ng #85 Alaska Alley, at Jason Lucero, 19, ng #09 Alaska Alley, kapwa ng Bgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City.

Sila ay sinampahan ng mga kasong alarm and scandal at paglabag sa BP 6 (illegal possession of bladed weapon).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply