Calungsod fever namumutiktik

ILANG oras na lang bago ang kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod, nag-uumapaw na ang “Calungsod fever” para sa paghirang bilang ganap na santo na pangalawang Santong Pinoy.

Ang mga debotong Pinoy ay kani-kanya na ang dating sa Roma para saksihan ang canonization ni Beato Pedro.

Para sa ilan, karangalan ang personal na maging bahagi ng kaganapan at bakas ang pagmamalaki sa bawat Pinoy na magkaroon ng isa pang Filipino saint matapos itinanghal din si San Lorenzo Ruiz bilang kauna-unahang Santo.

Bukod sa mga debotong mula ng Pilipinas partikular sa Cebu, hindi naman alintana ng mga Pinoy na galing pa sa ibang bansa, ang gastos at sakripisyo para lamang saksihan ang canonization ni Calungsod.

Mayroong galing pa ng Norway at ibang bansa sa Europe at sa Guam.

Sa Guam, pinatay si Blessed Calungsod kasama ang mentor na Jesuit missionary na si Blessed Diego Luis de San Vitores.

Sa Roma man o dito sa Pilipinas, pakyawan na ng mga souvenirs ni Beato Pedro.

Samantala, may inihanda ring aktibidad ang mga OFWs sa Roma para bukas.

Sa panayam kina Melissa Cabiad Altura at Noel Patulot na nagtatrabaho doon, sinabi nila na mayroong inihandang aktibidad ang mga kabataang Pinoy bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagiging ganap na santo ni Blessed Pedro Calungsod.

Magkakaroon ng sama-samang pagdarasal, kantahan at sayawan ang Filipino youth organization dahil labis silang nagagalak na isa na namang Pinoy ang kikilalanin bilang isang banal.

Ayon pa kina Altura at Patulot, hinihiling nila kay Blessed Calungsod bilang patron ng OFW na magkaroon sila ng maayos na trabaho at magandang kalusugan para patuloy na matulungan ang kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.

Sa panayam sa Pinay nurse na si Xyza Oshin na may tiyahin ring madre sa Roma, ngayong gabi ay nagkaroon ng holy vigil, testimony sharing, film showing/documentary tungkol sa buhay ni Calungsod.

Susundan umano ito ng exposition of the blessed sacraments at pangungumpisal.

Sa araw na Lunes ng umaga partikular sa St. Peter’s Basilica, muling magkakaroon ng pagrorosaryo at thanksgiving mass na inaasahang dadaluhan ng libu-libong pilgrims na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply