Cameraman ng PTV 4 kinuyog, binugbog

KINUYOG at pinagtulungang bugbugin ng grupo ng kalalakihan na hinihilang sabog sa ipinagbabawal na gamot ang isang cameraman-driver ng PTV channel 4 sa Sta. Mesa, Maynila, kaninang madaling araw.

Ang biktima na si Dante Morada ay sinamahan ng beterenong reporter ng nasabing istasyon na si Noel Perfecto kay Manila Mayor Alfredo Lim upang maaresto ang mga suspek.

Agad inatasan ni Lim si Manila Police District Director C Supt. Alex Guttierez ang pagtugis sa mga suspek na hinihinalang sabog sa iligal na droga.

Sa ulat, kasama ang reporter na si Bernard Tan, binabagtas ng service vehicle ng PTV channel 4 ang panulukan ng Valenzuela at V. Mapa St. nang “kalampagin” ng grupo ng kalalakihan ang hood nang kanilang sasakyan.

Dahil malakas ang kalabog ay bumaba si Morada upang tingnan kung nagka-damage ang kanilang service vehicle pero isa sa mga suspek ang sumuntok sa kanya, habang ang iba ay umatake rin sa kanya.

Nang makawala ay mabilis na pumasok sa sasakyan si Morada para maiwasang mapuruhan at mabilis na tumakas sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply