Canare, 1st place sa round 6 ng MOTO IR Championship

TUNAY ngang number 1 ang mga Pinoy pagdating sa pakikipagtagisan ng galing at bilis sa loob ng race track. Yan ay matapos magpamalas ang mga kabataang pPinoy na super bike racer at mga young at heart.

Muling umarangkada ang mga ito sa katatapos lang na Round 6 ng MOTO IR Championship para sa taong 2012 na ginanap sa Clark International Speedway.

Para sa round na ito, nakuha ni Rizaldy Canare ang 1st place, habang nasa 2nd place naman si Marvin Mangulabnan, si Anthony Roman naman ay nasungkit ang 3rd place, 4th place naman si Michael Altamira at 5th place si Gerald Cruz.

Kapwa nahirapan ang mga ito na kalabanin ang isa’t isa dahil bawat isa sa kanila ay may angking galing sa pagpapatakbo ng kani-kanilang motorsiklo at kanya-kanya rin silang strategy sa pakikipag-unahan para makamit ang tagumpay.

Ito na rin ang paghahanda nila para sa nalalapit na Final Round ng MOTO IR na gaganapin sa Nobyembre 4, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply