Cancer-causing Korean noodles, ipinababawi ng FDA

IPINARE-recall na at sinusuri ngayon ng Food and Drugs Administration (FDA) ang ilang Korean noodles na ipinagbibili pa rin sa bansa kahit una na itong ipinabawi ng Korean FDA matapos matuklasang nagtataglay ng kemikal na maaaring magdulot ng sakit na kanser.

Sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong n ipinamo-monitor na nila kung saan-saang lugar nagbebenta ng naturang produkto at maging ang mga importer  ng produkto ay pupuntahan din ng mga FDA inspectors.

Binubusisi na rin umano ng mga ito ang distribution record para matukoy kung saan idini-distribute ang mga produkto o kung saan sila nakapagbenta ng mga ito.

“Ia-advise din ang mga distributor na temporary recall muna sila ng kanilang mga produkto, huwag muna silang magbenta. Kung anuman ang nasa merkado na, dapat i-recall muna,” ani Tacandong.

Tiniyak rin ni Tacandong na sa sandaling matapos ang kanilang pagsusuri, na posibleng tumagal lamang ng tatlo hanggang apat na araw ay maglalabas sila ng advisory sa publiko hinggil sa kung totoo ngang may benzopyrene, na nagiging sanhi ng cancer, ang mga Korean noodles.

Ibinunyag ng grupong EcoWaste Coalition na siyam na noodles ang ipinabawi ng Korean FDA noong Oktubre 25 matapos matuklasang nagiging sanhi ito ng kanser.

Gayunman, dalawang araw matapos ang recall ay natuklasan ng EcoWaste na ipinagbibili pa rin sa ilang Korean stores sa Makati at Quezon City ang anim sa siyam na noodles na ipina-recall sa Korea, na kinabibilangan ng Nongshim’s Mild Neoguri, Spicy Neoguri, Neoguri Cup Noodles, Saewootang Cup Noodles (large) at Seng Seng Udong.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply