Canonization ni Blessed Calungsod, mamaya na

MAMAYANG hapon sa ganap na alas 4:00 oras sa Pilipinas ang canonization ni Blessed beato Calungsod sa St.Peter’s Square sa Vatican City, Rome na pangungunahan ni Pope Benedict XVl.

Bago ang pagdedeklara kay Blessed Pedro Calungsod bilang pangalawang santo ng Pilipinas ay magsasagawa muna ng pagdarasal ng rosaryo na susundan naman ng banal na misa .

Kaugnay nito, dagsa na rin ang libu-libong Pinoy sa Vatican upang saksihan ang kaabang-abang na canonization ni Blessed Calungsod.

Samantala, sa ibat-ibang panig din ng Pilipinas, kanya-kanyang naglatag ng programa para sa pagdiriwang ng canonization.

Sa Maynila, napili naman ang Sto. Nino de Tondo parish Church na maging sentro ng pagdiriwang .

Nabatid na mismong si Archdiocese of Manila ang pumili ng naturang parokya bilang simbolo ng pagkakilala sa mga kabataan kung saan nasawi si Blessed Beato Calungsod sa edad na 17.

Maging ang iba pang simbahan sa Metro Manila ay nakahanda na rin sa canonization ni Calungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply