Canonization ni Blessed Pedro Calungsod inaabangan na

INAABANGAN na ng mga Filipino ang canonization ni Blessed Pedro Calungsod sa Vatican City bukas.

Dito sa Pilipinas, nabatid na samu’t saring aktibidad ang inihanda ng mga Filipinong deboto ni Calungsod.

Si Calungsod ay isa sa pitong bagong santo na hihirangin ni Pope Benedict XVI sa St. Peter’s Square, bukas.

Bukod kay Calungsod, idedeklara ring santo ng Santo Papa sina Native American Kateri Tekakwitha, Franciscan Nun Maria Anna Cope, French Jesuit Jacques Berthieu, German lay woman Maria Schaeffer, Italian priest Giovanni Battista Piamarta at si Spanish nun Maria del Carmen.

Nabatid na ang kanonisasyon sa pitong bagong santo ay isasagawa sa gitna nang Synod ng 262 obispo na mula sa iba’t ibang bansa.

Si Calungsod ay isang batang seminarista na pinaslang sa isla ng Guam kasama ang isang pari, upang binyagan ang isang batang babae.

Nagkaroon umano si Calungsod ng pagkakataon na tumakas ngunit pinili nitong manatili upang ipagtanggol ang kasamang pari, sa ngalan ng pananampalataya sa Diyos.

Kaugnay nito, nabatid na dahil sa bagong kanonisasyon ay umaabot na sa 44 ang bilang ng mga santo na pinangalanan ng Santo Papa simula nang mamuno ito noong taong 2005.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply