Car theft leader, pinatutugis sa Interpol

DAHIL sa pinaniniwalaang nakapuslit na palabas ng bansa, ang pagtugis kay Ryan ‘Baktin’ Yu, lider ng car theft syndicate na nag-ooperasyon sa Mindanao ay hindi lamang pang-lokal kundi pang international na.

Sinabi ni Vice Mayor Rodrigo Duterte na hiningi na ng awtoridad ang tulong ng ibang bansa at ang International Criminal Police Organization (Interpol) para hantingin si Yu.

Narekober ng awtoridad sa bodega ni Yu ang mahigit sa sampung nakaw na sasakyan ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Dahil dito, itinaas na ni Duterte ang pabuya sa dating P4.5 sa P5 milyon para mahuli si Yu kung buhay man o patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply