Carabuena nagpiyansa sa kasong direct assault

NAGPIYANSA si Robert Blair Carabuena, ang motoristang kinasuhan at binatikos sa pananakit sa isang Metropolitan Manila Development Authority constable noong nakaraang Agosto matapos iniutos ng Quezon City court ang pag-aresto rito.

Nagtungo si Carabuena at ang kanyang abugadong si lawyer Cesar Ortega sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) nitong nakaraang Biyernes lamang.

Nahaharap ito sa kaso direct assault na isinampa ng MMDA at ni Saturnino Fabros, ang constable na sinampla nito nooong Agosto 11.

Nito lamang nakaraang linggo, iniutos ni Quezon City judge Juris Callanta ang pagdakip kay  Carabuena sa kasong direct assault, kaya napiyansa ito ng P12,000.

Inatasan ni Callanta ang Quezon City police na arestuhin ito sa kanyang bahay sa Katipunan Avenue Extension, matapos makitaan ang kaso ng probable cause sa kasong  direct assault on an agent of person in authority.

Nitong nakaraang Agosto, nakunan si Carabuena sa video na sinasampal si Fabros matapos parahin nito ang kanyang sasakyan sanhi ng isang traffic violation.

Kasunod ng insidente, nakatanggap si Carabuena ng mga online criticism, habang kinansela naman ng Philippine National Police ang baril nito.

Sa kabilang dako, tumaas naman ang ranggo si Fabros.

Habang humingi na ng tawad si Carabuena kay Fabros at sa publiko dahil sa nasabing insidente, sinabi ni Fabros na pinatawad na niya si Carabuena pero kailangan harapin nito ang kanyang kasalanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply