Carabuena pinaaresto

INIUTOS na ni Judge Juris Dilinila-Callanta ng Metropolitan Trial Court Branch 42 ang warrant of arrest sa motoristang si Robert Blair Carabuena. Maaalalang si Carabuena ang nanakit kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Constable Saturnino Fabros noong ika-11 ng Agosto sa Quezon City. Ang arrest warrant ay base sa kasong direct assault na isinampa ni Fabros.

Agosto 28 tumungo si Carabuena sa tanggapan ng MMDA upang magbigay ng kanyang public apology. Tinanggap naman ito ni Chairman Francis Tolentino ngunit itutuloy pa rin nila ang kaso laban sa motorista. Ang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Carabuena ay P12,000.

Kaugnay nito, nauna nang sinuspinde ang driver’s license at firearms license ni Carabuena at kailan lang ay naglabas na ang Land Transportation Office (LTO) ng desisyon na nagpapataw ng lifetime revocation sa lisensya ni Carabuena.

Ako ay ‘di sang-ayon sa lifetime revocation ng driver’s license niya. Bagama’t siya’y nagkamali, ako’y naniniwalang lahat ng tao ay dapat bigyan ng pagkakataong magbago. Siguro isang taong suspensyon ng lisensya ay ayos na para sa akin pero ‘wag naman habang buhay. Bukod dito ay may karampatang parusa na naman si Carabuena kung siya’y mapapatunayang nagkasala sa direct assualt charges na isinampa ni Fabros na ngayon ay na-promote na bilang Traffic Constable II.

Anomang sama ang nagawa ni Carabuena ay nagsilbing aral naman ito sa napakaraming motorista. Sana nga tama ako. Maging leksyon ito sa lahat ng drayber ng anomang uri o estado. ‘Wag na ‘wag tayong manakit ng kapwa tao lalo na kapag ito’y nagsisilbi sa bayan. May tamang proseso naman para sa ating mga hinaing o reklamo.

*****

Maligayang Kaarawan kay Ira Panganiban bukas at Sa Lunes naman kay Tet Andolong at sa aking tiyuhin na si Tirso Calaranan!

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/ InsideMotoring o ‘di kaya’y mag-text sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply