Cardinal Vidal: NatGeo dapat i-persona non grata sa Pinas

INIREKOMENDA kahapon ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal na ikonsiderang persona non grata ang dayuhang manunulat ng National Geographic Magazine na si Bryan Christy, kasunod ng kontrobersiya na kinakaharap ni Msgr. Cristobal Garcia hinggil sa kwestiyonableng paggamit ng elephant tusks upang gawing religious relics.

Ani Vidal, sinira ni Christy ang imahe ng Simbahang Katolika sa Pilipinas lalo na ang mga Cebuano.

Inihahanda na rin ng arsobispo ang mga dokumentong dadalhin sa Vatican City upang bigyan ng linaw ang nasabing isyu.

Haharap din umano siya sa Commission on Faith and Worship upang sagutin ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kontrobersiya.

Ayaw namang magkumentong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa nasabing kaso.

Sa batas ng Pilipinas, lahat ng may kinalaman sa kapaligiran, ilang at mga ilang na hayop ay dapat na dumaraan sa DENR.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply