Cardinal Vidal tumulak na sa Roma

TUMULAK na kagabi patungong Vatican sa Roma si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal para dumalo sa ilang mga aktibidad bago ang canonization ni Blessed Pedro Calungsod ngayong Linggo.

Bago bumiyahe, nagmisa pa si Cardinal Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral at ibinahagi nito sa mga nagsimba ang kaniyang nalalaman tungkol sa buhay ni Blessed Calungsod .

Nais ng cardinal na maintindihan ang naranasan ni Blessed Calungsod bilang isang katekista sa Guam na naging dahilan kung bakit siya gagawing isang santo.

Sa Vatican City, dadaluhan ni Cardinal Vidal ang isang triduum mass bago ang canonization ni Blessed Calungsod.

Si Calungsod ay isang binatang Catechist mula Visayas na sumama kay Blessed Diego Luis de San Vitores sa Tumhon, Guan Marianas at napatay noong April 2, 1672.

Isinagawa ng yumaong Santo Papa na si Pope John Paul II ang beatification ni Calungsod noong 2000.

Inaasahan namang maraming Pinoy ang tutungo sa Vatican sa oras na iproklamang Santo si Calungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply