Career ni LJ Moreno pang reality show na lang

KUNG nakipagsabayan lang sana noon si LJ Moreno sa genre ng pagpapa-sexy, mas nauna pa sana siyang sumikat kina Ara Mina at Aubrey Miles. Kaso mo, ilang beses siyang inalok noon ni Mother Lily Monteverde pero paulit-ulit rin itong kanyang tinanggihan.

May “K” naman talaga kasi itong maghubad dahil maganda, sexy at malaki pa ang boobs. Kaya lang mas feel pa noong gumawa ng pelikula ng semi-retired na actress kahit low budget lang ang importante ay mapanatili niya ang kanyang pagiging wholesome star.

Well, it’s her decision at sabi, nga walang basagan ng trip kaya tanggap na naman siguro ng pamangking ito ni Alma Moreno kung hanggang pang Reality show na lang ang kanyang career. Dati, sumali na ang married actress kay Jimmy Alapag sa Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN.

Ngayon naman ay ka-join siya sa The Amazing Race Philippines. May isa pa pa lang karera si LJ at ‘yan ay ang pagluluto ng mga pastry. May sariling Pastry shop ang actress na ipinatayo sa kanya ng kanyang mabait at mayamang husband. Okey ngarod na lang gyud!

***

R&B singer Young JV, next big thing ng Pinoy music

BAGONG tunog at kakaibang music style ang hatid ng R&B singer na si Young JV sa kanyang debut album sa Star Records na may title na Doin’ It Big. Ayon sa singer-actor na bahagi rin ng top-rating Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012, espesyal para sa kanya ang kanyang unang album sa bago niyang recording label dahil ibibida niya rito ang lahat ng kaya niyang gawin.

“Isang taon naming binuo itong album at maraming styles ng music ang ginawa namin rito na siguradong maa-appreciate ng youth at young adults–from hip hop, R&B, acoustic, house, at iba pa,” ani Young JV na bukod sa mga teleserye ay minsan na ring lumabas sa pelikula sa pamamagitan ng blockbuster hit nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na Won’t Last A Day Without You.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records at Doin’ It Big Productions, 10 tracks ang laman ng kanyang album kabilang ang special collaborations niyang ‘Boy Meets Girl’ kasama si Yeng Constantino, Hurts So Bad kasama si Karylle, Alay kasama si Akiko, Rock This Town kasama sina Laze and Yumi, at ang carrier single-turned-dance-craze nitong ‘Your Name’ na kinanta niya kasama ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 big winner na si Myrtle Sarrosa. Bahagi rin ng tracklist ang Get Up And Dance, Kailan Kaya? Tanong, Got To Have You, at Pinas.

Ang Doin’ It Big album ni Young JV ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa www.starrecords.com.ph at www.mymusicstore.com.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply