Caretaker na gumahasa, pumatay sa GRO, tugis

PUSPUSANG nang tinutugis ngayon ng pulisya ang isang caretaker ng ginagawang gusali na gumahasa at pumatay sa isang guest relation officer (GRO) sa Davao City kaninang umaga.

Ito’y matapos makumpirma ng Toril PNP na wala ng iba pang papatay sa biktimang si Adelaida Aragon 45-anyos, GRO ng iba’t ibang videoke bar sa Toril area kundi ang suspect na si Boboy Tapunan, 27-anyos residente ng Kabili, Panabo City, caretaker ng gusaling itinatayo sa De Guzman St., Toril, Davao City.

Si Tapunan, ang mismong nagbuko na may napatay siyang tao na kinalaunan ay nakilalang si Aragon dahil pumasok at nagtangka umanong magnakaw ito sa kanyang binabantayang gusali.

Hindi naman pinaniwalaan ni P/Chief Inspector Angel Sumagaysay, hepe ng Toril police station ang alibi ni Tapunan dahil bukod sa may malaking sugat si Aragon sa ulo ay nawawala rin ang underwear nito na isang senyales na ginagahasa rin ito at saka pinasakan pa ng maiksing kahoy ang ari nito.

Nagbuo na ng dalawang police tracker team si Sumagaysay para tutukan ang paghuli kay Tapunan at sa lalong madaling panahon ay makuwelyuhan ito para pananagutin sa krimen.

Dakong alas 6 kaninang umaga, nadiskubre ang bagkay ni Aragon sa loob ng gusaling itinatayo sa De Gusman St., sa Toril matapos kumpirmahin ng mayari ng gusali na may napatay ang kanyang careteker na si tapunan.

Kapag naman nahuli, ikukumpara ang semilya ni Tapunan sa semilyang nakuha naman sa maselang bahagi ng katawan ni Aragon at kapag nagtugma ay wala nang lusot pa sa krimen si Tapunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply