Caretaker ng computer shop natagpuang patay

MALAMIG na bangkay na nang matagpuan ang isang 44-anyos na caretaker ng isang computer shop sa Sta.Mesa, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktima na si Ernesto “Jumong” Lagarde, tubong Batangas City at stay-in sa Wizard computer shop sa Teresa St., Sta Mesa, Maynila.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 3:30 ng madaling araw nang natagpuang patay si Lagarde sa loob ng nasabing computer shop.

Ayon kay Rex Caiyas, attendant sa nasabing computer shop, napansin nito ang kakaibiang pagkakahiga ng biktima at nang kanyang lapitan ay patay na pala ang biktima.

Madalas din umanong naririnig ni Caiyas na malakas maghilik ang biktima at pinayuhan nito na magpakonsulta sa doctor subalit hindi umano siya pinapansin.

Hinala ng pulisya na binangungot ang biktikma gayunman, inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply