Caretaker ng mausoleum pinagsasaksak, kritikal

KRITIKAL ang isang mister na caretaker ng isang mausoleum matapos itong saksakin ng isang suspek habang nakatayo sa harap ng tindahan kagabi sa Caloocan City.

Nakaratay at inoobserbahan sa Persident Diosdado Macapagal Medical Center si Jerome Dela Cruz, 29, caretaker ng mausoleum sa loob ng Laloma Cemetery at residente ng 1st Ave ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Airon Baluro, alyas Balong, ng nasabi ring lugar dala ang ginamit na patalim.

Ayon sa ulat dakong alas 8:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa harapan ng isang tindahan malapit sa nasabing sementeryo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply