Caretaker ng parking binistay ng bala, patay

BINISTAY ng bala sa katawan ang isang 62 anyos na caretaker ng isang parking habang nagwawalis ito sa loob ng pinapasukan sa Tondo, Maynila kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Bobby Araneta, isang balo at stay in sa Ann Parking sa 1394 Sta Maria St., Tondo sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:00 ng hapon nang naganap ang pamamaril sa loob ng Ann Parking sa 1394 Sta Maria St., Tondo.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng kalibre 45 na tumakas matapos ang pamamaril.

Nauna dito, nagwawalis ang biktima sa loob ng nasabing parking nang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa anak ng biktima na si Berlyn, 35, timekeeper sa nasabi ring parking, sunod-sunod na putok ng baril ang tangi nitong narinig dahil naliligo siya at nalaman lamang niya na ang kanyang ama ang biktima nang lumabas ito para alamin.

Dagdag pa ng biktima na bagama’t hindi nito alam ang motibo sa pagpatay sa kanyang ama, sinabi niya na noong August 13, ay nabaril na rin ang kanyang tatay kung saan ang suspek ay isang Angelito Carmona alias Lito Candle subalit ang nasabing kaso ay naayos umano ito nang idulog sa kanilang barangay.

Nabatid sa pag-iimbestiga ng pulisya na ilang beses na ring pinagtangkaang patayin ang biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply