Cargo plane nag-emergency landing sa NAIA

NAG-EMERGENCY landing ang isang cargo plane sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulog ang kanang gulong nito kaninang alas-2:19 ng madaling araw  Ito ang kinumpirma ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Ayon kay CAAP OIC Captain John  Andrews, 30 minuto nang naka-take off ang C45 cargo plane nang rumadyo ito sa NAIA at  humiling ng emergency landing matapos matanggal ang kanang gulong nito at  mahulog.

Sinabi ni Capt. Andrews na nag-take off sa Manila Domestic Airport ang naturang eroplano at patungo sana itong Busuanga.

Matagumpay namang nai-landing ang naturang cargo plane at ligtas din ang piloto at co-pilot nito.

Nabatid na pag-aari ng CFA Aero Services ang naturang cargo plane.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply