Caribbean cruise ship, dumating sa Boracay

NAKARATING na sa isla ng Boracay kaninang alas-8:00 ng umaga ang Caribbean cruise ship na MS Legend of the Seas.

Batay sa ulat, ang barko ay nasa 100 hanggang 200 meters ang layo mula sa Cagban Jetty Port.

Ibinababa mula sa ga-higanteng cruise ship ang maliliit nilang bangka na siyang sinakyan ng kanilang mga pasaherong turista para makaabot sa mainland ng Boracay.

Maraming tao ang nag-abang sa Cagban para salubungin ang paglabas ng mga pasahero mula sa cruise at marami sa mga ito ang nagdala na nagwawagayway ng mga streamers na may nakasulat na “Welcome.”

Base sa manifesto ng barko, nasa 2,074 ang pasahero ng cruise pero sa kabuuan ay may kapasidad itong 2,500 passengers.

Sa pagdating naman ng mga turista sa isla ay sinalubong sila ng bonggang opening ceremony at ilang inihandang programa sa pangunguna ng provincial officials ng Aklan at local government officials ng Malay.

Inaasahan na ala-1:30 mamayang hapon ay babalik na ang mga turista sa cruise ship.

Ang 70,000 gross tons na MS Legend of the Seas ay may crew na umaabot sa 720.

Una itong inilunsad noong September 4, 1994 bilang una sa tinatawag na Vision Class cruise ships na pag-aari ng Royal Caribbean Cruises Ltd.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply