Casiño: Kampanya sa eleksyon, gawing mas patas

HINILING ni Makabayan senatorial bet Teddy Casiño sa Commission on Elections o Comelec na gawing mas patas ang pangangampanya ng mga kandidato sa 2013 na halalan.

Pinakiusapan ni Casino si Comelec chairperson Sixto Brillantes na siguruhing maging patas ang espasyo at oras ng mga kandidato sa mas midya sa pamamagitan ng pagbili ng airtime sa telebisyon at radyo at column space sa mga diyaryo.

Dagdag ng mambabatas, ibebenta ng Comelec ng espasyo at airtime ng pantay-pantay sa mga kandidato upang hindi makapang-lamang ang mga mayayaman na kandidato.

Ang ganitong sistema ay nakapaloob naman daw sa Omnibus Election Code, maging sa republic Act 9006 o ang Fair Elections Act.

Nasa Comelec ang lahat ng ligal na kaparaanan upang mapigilan ang mga maperang kandidato na makapang-lamang sa pamamagitan ng maagang pangangampanya sa mas midya na itsurang public service announcement, ayon pa kay Casiño.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply