Casiño: Mapagmataas na ugali ni PNoy, ‘wag tularan

HINIKAYAT ni Bayan Muna Congressman Teddy Casino ang mga lider-kabataan na huwag tularan ang mapagmataas na ugali ni Presidente Benigno Aquino.

Sa kanyang talumpati sa 2012 Sangguniang Kabataan Regional Congresss on Livelihood, Alternative Learning System and the Environment sa isla ng Boracay, sinabi ni Casino na kailangang magpakita umano ng kagandahang asal ang mga lider.

Dagdag ng kandidato sa pagka-senador, huwag rin sanang maliitin ng mga lider ang sinumang ordinaryong tao na gusting tumakbo sa anumang pwesto sa gubyerno.

Dagdag pa rin itong reaksiyon ni Casino sa patutsada ni Aquino na hindi naman popular ang kongresista sa mga sarbey ng mga kandidato sa susunod na taon.

Imbitado si Casino ng Sangguniang Kabataan ng Kanlurang Bisayas bilang dating pangulo ng College Editors Guild of the Philippines at tagapangulo ng House Committee on Small and Medium Scale Industries at myembro rin ng House Committee on Education.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply