Casiño niresbakan sa pambibira kay PNoy

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang pahayag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, malinaw na ginagamit ni Casiño si Pangulong Aquino para pag-usapan ng publiko lalo pa’t nalalapit na halalan sa bansa.

Sa ulat, sinabi ng mambabatas na “Let me remind the President that before his mother died, he did not even rate in any survey nor was considered by anyone to be of presidential calibre,” kung saan ay nakuha lamang nito ang simpatiya ng bayan kaya siya naging Pangulo ng bansa.

Bilang respeto aniya kay Congressman Casino ay hindi nila pinepersonal ang mga sinabi nito bagkus ay ipinagkibit-balikat lamang nila ang tila pagpapapansin ng mambabatas.

“Ang point ng Pangulo, kung effective ang inyong propaganda, ‘di dapat ang inyong kandidato tataas sa survey. It’s not about your parents, it’s not about being personal, it’s about your propaganda. The truth of the matter is, people do not believe your propaganda otherwise—for instance, the left would always… Bayan Muna would always attack the CCT program but the CCT program addresses the poorest of the poor.
It provides them… It’s an investment on the poorest of the poor. They attacked also, for instance—Bayan Muna also accused that we’re abolishing government hospitals. That is, again, not true. We are saying, in fact, we’re expanding the coverage of the universal healthcare and we’re providing coverage to more diseases,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Pinasaringan din ni Sec. Lacierda si Casiño na sa kabila ng malakas ang propaganda nito laban kay Pangulong Aquino ay wala naman ni isang magtatangkang patulan ito.

“So it’s not personal. It’s the propaganda that’s the problem. So it’s not about his parents, Congressman Casino, it’s about your propaganda,” aniya pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply