Catholic schools, bawal mag-Halloween party

HINIKAYAT ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) President Fr. Greg Banaga ang mga miyembro nitong Catholic schools na huwag magdaos ng Halloween party.

Ayon kay Banaga, pangulo ng Adamson University, sa halip na ang ‘Halloween,’ ay dapat na ituro ng Catholic schools sa kanilang mga mag-aaral ang tunay na kahulugan ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Aniya, hindi itinuturo sa Simbahang Katoliko ang anumang secular celebrations tulad ng Halloween.

“Iwasan natin ang mga ganyang Halloween party kasi hindi naman Christian holidays. Ang dapat nating i-focus ay yung November 1 at November 2,” pahayag ni Banaga.

Ipinaliwanag pa ni Banaga na ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay ay hindi  katatakutan kundi pagkakataon para maipagdasal ang mga yumaong mahal sa buhay.

“…pray for those who departed, those who have gone to other life. Knowing that even if they are not here with us, they are still members of the Church and that there is some bond that unites us with them,” aniya pa.

Ang CEAP ay national association ng mga Catholic schools sa bansa at may kabuuang 1,252 miyembro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply