CBCP naghanda ng aktibidad para kay Beato Calungsod

MAGHAHANDA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ilan pang organisasyon ng mga aktibidad na isasabay sa kanonisasyon, ni Beato Pedro Calungsod sa Linggo.

Kasama sa mga magiging sentro ng aktibidad ang Santo Niño De Tondo Parish na mayroong aktibidad mula 2:30 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi na susundan naman ng misa ng alas-8:00 ng gabi.

Magkakaroon din ng live via sattelite feed ng Canonization Rite sa Roma sa San Juan arena na magsisimula ang aktibidad ng ala-1:30 hanggang ala-6:00 ng gabi.

Magarbong selebrasyon din ang gagawin sa Mandaue City Cultural and Sports Complex sa Cebu na magsisimula ng tanghali at tatagal ng hanggang alas-6:30 ng gabi.

Kabilang sa selebrasyon na tatawaging, “Barkada ni Pedro Live” ang mga dula kaugnay sa buhay ni Calungsod, lectures, trivia at misa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply