CBCP: Paggunita ng Undas, di ‘All Epals’ Day

KAUGNAY nang nalalapit na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa bansa ay nagpaalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pulitiko na ang Undas ay hindi ‘All Epals’ Day.’

Ang pahayag ni CBCP Media Office Director Msgr. Pedro Quitorio ay ginawa dahil karaniwan nang nagkalat ang mga tarpaulin ng pagbati at larawan ng mga pulitiko sa mga sementeryo bunsod nang inaasahang pagdagsa roon ng maraming botante.

Ayon kay Quitorio, nakakalungkot na maraming pulitiko ang ginagamit ang okasyon para makapangampanya ng maaga, gayung ang campaign period ay nakatakda naman sa Pebrero pa ng susunod na buwan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Quitorio ang mga pulitiko na hayaang mamayani ang tunay na kahulugan ng Undas, na panahon upang alalahanin ang kaluluwa ng mga yumao nating mahal sa buhay.

Aminado naman ito na wala silang magagawa laban sa mga “epalitiko” maliban sa pagpapahayag ng kanilang disgusto sa ginagawa ng mga ito.

Giit pa niya, konsensiya na lamang ng mga epalitikong ito kung isisingit pa rin ang kanilang pansariling interes sa Undas.

“I believe it would be enough for us to voice our displeasure. It is just up to their consciences,” pahayag ni Quitorio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply