CBCP sa kabataan: Humabol sa registration

HINIKAYAT ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan na habulin ang deadline ng voters registration na magtatapos bukas, (Oktubre 31) upang matiyak na makaboboto sila sa 2013 midterm elections.

Ang pahayag ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP- Episcopal Commission on Youth, ay kasunod pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na nila palalawigin pa ang registration period na magtatapos bukas.

Ayon kay Garganta, dapat na magkaroon ng interes ang mga kabataan sa pagboto at magparehistro na hanggang bukas.

“In order to practice their right to vote, young people must register as a voter until deadline on October 31, Wednesday. This is also a role for a young adult or those above 18 years old to take the privilege and the right to register to give their vote for the 2013 election,” paliwanag pa ni Garganta.

Idinagdag pa nito na ang pagpaparehistro at pagboto ay isang kongkreto at positibong pakikiisa sa panig ng mga kabataan sa komunidad, bilang isang Kristiyano at mamamayan.

Hinimok rin niya ang mga kabataan na ipakita na bahagi sila ng pangarap na umunlad ang bansa sa pamamagitan nang pagboto sa tamang tao na magiging maayos na tagapamuno ng bansa.

“Young people let us show that you are part of our country’s dream of developing our communities by proclaiming the faith in voting for the right person in the upcoming election. This will become a way to witness our faith by which we recognize the law that sets standards for our unity as a nation,”  pagtatapos pa ni Garganta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply