CCT ‘di sapat para solusyunan ang dumaraming nagugutom sa bansa

MALAKI ang paniwala ng isang non government organization na hindi pa rin sapat ang Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Aquino Administration para solusyunan ang tumataas na bilang ng nagugutom sa bansa.

Ayon kay Aurea Miclat-Teves, presidente ng Food First Information and Action Network Philippines (FIAN), sa kabila ng tagumpay ng CCT ng Department of Social Worker and Development (DSWD) na bigyan ng trabaho ang mga mamamayan kapalit ng pagkain, kulang pa rin ito para mapababa ang bilang ng nagugutom at dumaraming mahihirap na pamilya.

Giit ni Teves, ang lumulobong bilang ng mga nagugutom sa bansa ay bunsod ng kakulangan ng gobyerno na gumawa ng matatag na polisiya sa pagkain.

Ayon pa kay Teves, kailangan din bigyan pansin ng pamahalaan ang ilang pangangailangan ng mahihirap tulad ng edukasyon at gamot.

Batay sa inilabas ng survey ng Social Weather Station nitong nakaraang linggo, tumaas ng 18.4 percent o 4.3 milyong pamilya ang nagugutom sa bansa.

Kaugnay nito walang balak na ipabago o ipaamyenda ng oposisyon ng Kamara ang pondo ng Conditional Cash Transfer Program na P45 billion.

Ayon kay House Minority Floor Leader Danilo Suarez, sa kanilang pagsusumite ng sarili nitong listahan ng isusulong na amyenda sa 2013 National Budget ay mas interesado ang mga ito na amyendahan ang budget ng Phil Drug Enforcement Agency at Dangerous Drugs Board.

Ito ay upang ma-develop at malagyan naman ng mga bagong pasilidad ang mga nabanggit na ahensya na may malaking papel sa pagsawata sa malaking problema ng bansa sa droga.

Nais ding padagdagan ni Suarez ng pondo ng National Telecommunications Commission para makabili ito ng metering device na magmo-monitor ng tawag sa cellphone ng mga subscriber.

Sa pamamagitan nito, masisiguro umanong eksakto ang billing sa mga subscriber sa aktwal na haba o ikli ng tawag ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply