Center walang gamot at mga batang kriminal

BASAHIN naman po natin ang mga kaisipan, problema, kaalaman, sumbong at iba pa ng ating mga mambabasa.

DROGA AT MENOR DE EDAD

Good day, Kuya Benny. Walang pagbabago ang sitwasyon sa ating bansa habang malambot ang batas dito sa Pilipinas. Sila rin ang may sabi, dala raw ng kaunlaran ang ilang kaguluhan at krimen. Pero pansin na ng lahat, panay na ang patayan, holdapan at nakawan. At ang rape kabi-kabila na rin. Habang nandiyan ang illegal gambling, ang mga drug lord, saan pupunta ang ating bansa?

Maraming kabataan ang kriminal na magnanakaw, nangrereyp. Pero ‘di maikulong dahil menor de edad pa. Bago sila tumuntong sa hustong gulang, mas magagaling pa sila kaysa mga kriminal ngayon. Hanggang dito na lang, Kuya Benny at maraming salamat. From Oriental Mindoro. 0906811….

LUBAK-LUBAK SA TAYTAY

Bakit ayaw kumilos ang mga namumuno sa bayan ng Taytay, Rizal about sa lubak ng kalye nila along Highway 2000 going to Floodway C-6? Mag-eeleksyon na, magpapasikat naman kayo. 0947204….

MRT ELEVATOR/ESCALATOR SIRA

Mr. Antiporda, nais ko lang i-report ang mga escalator/elevator ng MRT sa kanilang station lalo na sa Recto. Mahigit nang 1 taon na hindi gumagana ang mga escalator doon at hirap na hirap kaming mga senior citizen na umakyat sa platform gamit ang mga hagdanan. Kung ang mga maliliit na problema gaya nito ay di kayang ayusin ni Mar Roxas, ‘di lalong ‘di nya kaya ang mas mabigat na tungkulin ng DILG secretary? 0916376….

TUWID NA DAAN HINDI USO

Ang kampanya ng Pangulo na tuwid na daan ay hindi yata uso rito sa Zaragoza, Nueva Ecija. Dahil ang sinasabing matuwid ay baluktot pa rin dahil ang isang mataas na opisyal namin ay nakabili ng halagang P10M na house sa Maynila at may bagum-bagong sasakyan. Tutukan n’yo po sana ito, malaking isda ito. Napakaraming anomalyang ginawa, alam na alam sa buong Zaragoza pero hndi namin malaman kung saan o kanino lalapit. Naisip po namin, kayo ang makatutulong sa paglalathala ninyo nito. 0923682….

KOLORUM AT DE-PADYAK

Gandang araw po, Sir Benny. Gusto ko lang pong iparating sa tanggapan ninyo ang reklamo namin na sa dinami-rami ng mga kolorum na tricycle at padyak ay hindi maaksyunan ni Mayor Evelyn S. Yu, ng Calabangan, Camarines Sur. Sa tatlong termino niya bilang mayor ng bayan, heto, talamak na rin po rito ang video-karera sa mga bara-baranggay. Salamat po, Sir Benny. 0946438….

SUMBONG VS ALIPORES NI KAP

Magandang umaga po. Nais ko lang pong ipaalam kay Mayor Herbert Bautista. Ang mga alipores ng kapitan sa Bagbag, Novaliches ay sisingilin ka ng P150 kung kukuha ka ng barangay clearance. Tama ba ang singil nila? Hindi na sila nakatutulong sa mahihirap. Ang yayabang pa nila kung magtanong. Kapitan Bernardino, pakiayos mo naman ang mga alipores mo. Mayor Bautista, pakisilip mo naman ito. 0907515….

ROBREDO WAEPEK

Ako po ay matagal nang Brgy. official. Kung ang DILG ang pag-uusapan, ang gaganda ng sinasabi nila kay namayapang DILG SEC. ROBREDO. Pero wala kaming nakitang reporma o pagbabago sa Local Government Units. Sa aming local officials at kapulisan, lalong lumakas at lumalala ang Jueteng games sa buong kapuluan at ang humahawak dito ay mga matataas na opisyal ng gobyerno. Kaya ‘di mapuksapuksa kundi lalong lumalakas pa. Kahit na mga pinuno sa municipal at provincial DILG officers ay nagsasabi na normal at parehas lang ang operation sa DILG. Pero walang pagbabago o repormang nangyari sa pamunuan ni Robredo at ito ang katotohanan. God knows the truthfulness of this message.  Ewan ko lang kung saan nila hinahagilap ang kanilang reports. Oilime H. Nadasngap, ng IP’s of the Philippines. 0920823….

ILIGAL SA LAS PIÑAS

Sir, salamat ho sa paglalathala n’yo sa aking reklamo. Meron pa ho akong complaint. Dito ho sa Basa Compound, naglipana ang video-karera, fruit game, video game at mostly mga bata ang player. Paki-paabot lang ho sa namumuno ng Las Piñas police. Thank you. 0929855….

LTFRB TUGUEGARAO

Good pm po! Pakigising lang po ‘yung director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Tuguegarao, Cagayan. Kasi tanghali na kung pumasok. Kawawa naman ‘yung nasa malalayong lugar. Salamat po. +96650163….

HEALTH CENTER WALANG GAMOT

Good morning po. May friend po ako na taga-Bibingkahan, Sorsogon City. Nagpa-check-up po siya pero bakit walang gamot ang center sa kanila? Walang pondo ang Sorsogon City? Mukhang tutulog-tulog po sa pansitan ang mayor. Bigyan n’yo po sana ng pansin ang mga ganito kasi  may humihingi po ng gamot at gamit lalo na ang mga walang pambili. Aksyon agad, mayor. Thanks po!  0920377….

BAHA SA TAGUIG

Good morning po, Sir Benny. Idudulog ko ‘yung problema sa baha rito sa amin sa Taguig. Grabe kapag bumabaha. Kasi dito sa subdivision namin, sa Baybreeze, 3 months ang pagbaha sa tag-ulan dahil ang sobrang tubig ng Laguna Lake ay sa amin pumupunta. Sana naman po ay makaisip ang local gov’t at ang Pangulo ng pangmatagalang solusyon sa problema naming ito. Nag-start lang ang napakalaking baha, 5 feet more, sa amin mula nang magka-C6. Nakulong ng C6 ang subdivision namin. Floor.  0906504….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  www.remate.ph o i-text sa 09214303333.  

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply