CGMA bantay-sarado sa PNP

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng mga tauhan ng Philippine Natiuonal Police (PNP) si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na naka-confined sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ang paghihigpit sa seguridad ay upang maiwasan na makapuslit ang mga miyembro ng media at tagasuporta ng kongresista mula Pampanga.

Kailangan ding dumaan sa mahigpit na security check ang ibang pasyente at kanilang mga dalaw na papasok sa loob ng VMMC..

Pinayuhan din ang mga mamamahayag na makipag-ugnayan sa head ng VMMC na si Nona Legaspi at sa PNP bago makapasok sa VMMC.

Kahapon ay isinailalim muli sa hospital arrest ang mambabatas matapos mag-issue ng warrant ang Sandiganbayan kaugnay sa kasong plunder ni Arroyo.

Kaugnay ito sa umano’y maling paggamit sa mahigit P360 milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply